pangambarap


hanggang saan nga ba ko dadalin ng aking mga pangarap?
minsan na akong nagsawa...
minsan na akong nabigo...
natakot.
nagdusa.
parang ayoko na.

matagal akong nakakulong sa anino ng nakaraan...
nagtatago sa multo na dala ng aking kapusukan...

sa ngayon, nasisilaw ako sa liwanag ng bagong araw...

nakakapaso ang init na dulot nito.
pilit akong pinalalabas at pinahaharap sa kinabukasan...

pero kinakabog ang dibdib ko.
heto na naman...
parang bumabalik lang ang nakaraan...

alam ko ang pakiramdam pag nakamit ang lahat ng inaasam.
sa murang edad, puede kong sabihing kahit papaano at natupad na ang aking mga pangarap...

at naranasan ko rin kung paanong mabawi ang lahat...

ngayon... hindi ko maialis ang pangamba.
para na akong na-trauma.
kailangan ko ng magbuo ng bagong pangarap...

gusto ko ng harapin ang bukas.
pero hanggang saan nga ba ako makakarating?
saan pa ako mapapadpad?
paano pa nga ba magsisimula kung parang nakaraan na ang bukas?

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...