Bagong Buwan

parang kailan lang nang huli kong masilayan ang pagsibol ng bagong buwan...

ang pagtatapos ng Ramadan...

Panibagong buhay at pag-asa ang hatid nito, hindi lamang sa mga Muslim... kundi sa lahat ng taong naka-saksi ng bagong liwanag...

at kasama kami dun.



si ernan... ako... si ericson...

hindi namin alam ang malalim na dahilan at paniniwala ng mga Muslim sa Eid, tanda ito ng pagtatapos ng kanilang isang buwang pag-aalay ng sakripisyo upang maging kaayaya sa kay Allah...

hindi ko alam kung tama ba ito.

pero isang bagay ang tiyak na alam ko...

kung paanong kahit magkakaiba ng paniniwala at pananampalataya ang mga tao ay may iisang pananalig pa rin sa nasa Itaas...

at ang pananalig na ito ang nagbibigay lakas at pag-asa sa bawat isa.


dumating ako dito sa dubai, unang araw ng Ramadan...

malas daw ako, dahil marami ng bawal dito sa ganung panahon.

malungkot daw. mahigpit.

mahirap makanahap ng trabaho.


pero para sa akin...

mas magandang nakita kong una ang malungkot na bahagi ng lugar na pinuntahan ko...

mas magandang maranasan ko kung gaano kahigpit ang batas ng bansang ito...

mas mainam na magkaroon ako ng takot at disiplina sa unang pagtungtong ko pa lamang sa kanilang teritoryo...

at maranasan ko ang hirap na walang tumatawag sa lahat ng pinadalhan ko ng application dahil sa wala ang mga boss dito...


sa panahong ito...

nakaramdam ako ng lungkot. takot. pagka inip.

minsang ring sumagi sa akin ang kawalan ng pag asa...


pero un ang aral ng Ramadan...

ang pag sasakripisyo.

ang pag titiis.

at ang pagkakaroon ng pag-asa...


dahil pagtapos ng lahat ng ito...

lalabas din ang bagong buwan.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...