27 na si NENE

Parang kailan lang...
.
nang una kang mapabilang sa mga natatanging Pipol ng Bayan :)

.
bata at sariwa... masipag at matiyaga :)

.
magaling dumiskarte... at winner sa pag arte...
kaya naman sa interview, puedeng back shot ni COD!

.
.
Matagal tagal na rin na tayo ay magka berks
ilang birthdays rin ang naging masaya dahil sa walang kupas na sorpresa...

sa paglipas ng panahon...
mula sa bangs mong pang-hapon,
nakita ko ang pagsibol
ng kinikilalang Dyosa ngayon.
.
dati rati, wala pang anggulo.
basta kita sa litrato, kahit anong side ng mukha mo...

sa mga panahong ito, dito ka nag-praktis ng husto...
gusto mo naka-profile na lagi ang kuha mo.
tanda ko pa noon, nalungkot ka ng husto,
dahil sa company ID, frontal ang shot mo!
kaya ginawan ng paraan, at nagpakuha ulit,
para sa ID, naka-anggulo ang pics.


.
hindi lang "kiling" ang iyong eksena,
ciempre, iba ka, at ang labi mo ang laging bida...

hindi alam ng iba, kung paano mong na-"ferpect" ang pag-pout...
ito ang ibidinsya, cge praktis pa!
 
nilalamig ka ba, o gustong maging bida...
ang labi ng operada, ayan na, umaariba!!!

.
.
sa lahat ng ito, piping saksi ako...
mga pagbabago, unti unting nakita sayo.
dati pag nag beach tayo, lagi kang naka-sando...

kita mo shorts mo... hanggang tuhod kahit wala namang tao!

yang mga ganyan, sobrang na miss ko,
ung walang humpay mong pa-picture, kaya laging wala ako!
.
unti unti, lumalakas ang loob mo...
kahit sa cubicle, 2-piece pinapa-kita mo...

pero noon, dun lang sa kwarto,
ang picture mong back shot... praktis lang ito!


konting pilit pa... konting ensayo pa...
 
2-piece sa picture, back shot lang muna...
mahiyain kasi, si nene nung una...
lalo na't alam nila, isa kang retokada!
 
 .
isang taon lang ang lumipas...
naglantad ka na...
and dating back shot, frontal na!

 
.
.
maraming pangyayari... pagbabagong naganap.
pero ganun pa rin, wala tayong kupas...
ilang birthday mo na rin na di ako kasama... :(
miss ko na ang videoke, ang walang humpay na pag kanta...

.
.
.
at sa araw na ito... bente syete ka na...
ibang level na berk, matanda ka na pala!
di ko namalayan, kasi parang kailan lang...
mga araw na lumipas, masayang balikan.
at ang mga pagsubok na sa iyo ay dumaan,
sisiw lang, kayang kayang tadjakan!!!

.
.
ngayong birthday mo, ang tanging prayer ko...
sana'y malaman mo na, kung ano nga bang gusto mo...
nawa'y ang hamon ng buhay, sa iyo'y laging magaan...

palibhasa'y payat, buto't balat, magaling lumilipad!
kahit san man mapadpad...
tagumpay mo ang aking hangad :)

We love you, Berk!
.
.
.
_______________
nung isang taon...

2 comments:

Anonymous said...

berk, coughing berk here...in fairness, love this. na-touch naman ako(kahit di ako ang may birthday!). na-relaize ko kasi ang tagal na nating berks.. ilang years na nga ba?;)

KALI said...

hi berk... nung ginagawa ko din, na touch ako... ung pics kasi natin, bata pa tayo! hehehe...
ilang years na? nung una akong nautusan bumili ng suka, 2001, so 8 years na berk... si mehe nun, nene pa, kahit anong i-utos, sumusunod... pero di naman cia napabili ng color bars sa hi-top! hahaha :)
sobrang miss na namin kayo ni tikang... at sobrang proud kami na kayo ung berks namin.

we love you berks!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...