the Global Filipino

this is what Global Village is all about.
showcasing the pride of each represented country through different pavilions... it was a really a priviledge to have a space for this village. having the opportunity to show to almost 18,000 nationalities in UAE, this i think is one of the best way to give each country its global identity.

at bilang Pinoy, excited ako na makita ang Philippines Pavilion... nakita ko, may isang malaking parol at ang watawat ng bansa na malayang sumasabay sa malakas na hangin sa paligid.
yan ang Pinas! kayang makipagsabayan...
akala ko lang pala...
parol at bandila. un lang, at wala ng iba...


gusto kong isipin na marahil, dahil lang sa global crisis... pero bakit punong puno ang iba?
nakakahiya diba?
pero di naman zero ang loob ng pavilion... salamat sa mga indiano o pana na nilalait natin ang amoy. pero sa sitwasyong ito, sila ung umuukupa sa lugar na sana ay mga mababangong pilipino ang nandun. kung sa bagay, parang Quiapo na rin... di ko lang natanong kung puedeng hulugan!

at ciempre, wala ang Pilipinas kung walang mga Intsik. ito naman Binondo o kaya Tutuban!

buti pa sila, naipapakita kahit paano ang mga produkto na bansa nila, sa lugar na dapat sana ay sa mga Pilipino napunta. no wonder, puno kasi ang pavilion nila... samantalang nilalangaw ang sa atin...
bakit nga ba tayo nilalangaw???
eh naka estante naman pala..
ang dalawang tindahan na yan... Turo - Turo. Proud to be pinoy!
yan lang ung atin... yang lang ung pagkaka kilanlan ng bansa natin!!!
kikiam - squidball - sayang nga at walang fishball... na miss ko un!

nakaka tuwa diba? hindi ko alam kung paano ko lalabas dun nung paalis na kami. wala akong mukhang maiharap sa mga banyagang nakakasalubong ko... at kung puedeng harangin ko ang mga taong papasok dun at makikita ang nakatiwangwang na mga puwesto, na di kayang lamanan ng mga Pilipino...

nga pala, may isang malaki at magandang graffiti dun:
sponsored ng western union. 35 dhirhams lang daw ang padala...

malamang nga, yan na ang bentahe ng ating bansa. wala na tayong maibentang ari arian, ubos na ang pag aari ng bayan, wala ng yaman na puedeng pang - kabuhayan... kaya sa ngayon, tao na lang, mga Pilipino ang puedeng ipalit sa kalakalan.

OTOP. One Town One Product.
ang ganda ng ngiti ng pinaka mamahal nating pangulo... pero sana palitan na ang poster na ito... pati ang proyekto. kasi wala na tayong produkto. kung meron man, wala namang makakatulong para mag angkat ng mga ito.

One Town One Million OFW - malamang mas makatotohanan. tutal, yan ang pangunahing 'produkto' na ipinagmamalaki ng ating bayan. nakakatakot na dumating ang araw
na wala ng Pilipino sa Pilipinas...

ang makulay na simbolo ng bansang Pilipinas, natakpan na ng makikinang na produkto ng ibang lugar... maski ang sarili nating bansa, di na natin makuhang ipakipag-sabayan. hindi ko alam kung gaano na kalabo ang pag-asa natin... pero ang tiyak ko, higit na malinaw ang iba.

1 comment:

Anonymous said...

nakakalungkot...masakit lang siguro talaga yung katotohanan ng mga sinabi mo. pero...ipinagmamalaki kong pinoy pa rin ako sa puso at isipan.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...