Panaghoy kay Ondoy

Sa kasalukuyan (1:45PM, 28/09/2009)

  • HIgit 100 tao na ang naitalang namatay pagdaan ng bagyong Ondoy sa ating bansa.

  • Nasa state of national calamity ang 27 probinsya sa 7 rehiyon, kasama ang NCR.
  • Halos 300,000 katao ang apektado ng sakuna.

  • Umabot na sa 20M ang halaga ng perang nalikom ng ABS-CBN Teethon at 25M na mga goods para sa pagtulong sa mga nasalanta sa buong bansa.
    at ang bilang ay tumataas pa...
Bilang OFW, isa na namang pagsubok ito ng katatagan, na piliting maging OK sa gitna ng trahedyang nangyayari sa ating bayan...
Mali ba ako na sa kabila ng kalunos-lunos na sinasapit ng ating mga kababayan, nangingibabaw ang pagka inis ko sa ating gobyerno kesa sa awa sa kasalukuyang sitwasyon?
Mali bang isipin na ngayon pinadurusahan ng mga tao ang walang pakundangang paglapastangan sa ating kalikasan?

Sa mga ganitong kalamidad, nangingibabaw sa atin ang bayanihan... ang pagtutulungan ng ating mga kababayan...
Pero hanggang kailan kaya natin kailangang saluhin ang pagkukulang ng ating gobyerno? Hanggang kailan natin pagtatakpan ang bulok na sistema ng ating bayan? At ilang baha pa ang kailangan bago matuto ang bawat isa na mangalaga sa ating kapaligiran.

Malakas ang bagyo, halos katumbas daw ng isang buwang buhos ang bumagsak sa isang araw lamang. At sa sukatang ito, tiyak nga na lulubong nga ang buong Maynila.
Kung sa simpleng ulan nga lang, lumulutang na ang ilang bayan, lalo pa sa ganun kalakas na bagyo ang dumaan. Halos buong taon, may bagyong namiminsala sa ating bansa...

At nakainis isipin na hanggang sa ngayon, di pa rin tayo handa sa ganung sakuna.  Ilang rubber boats ang meron tayo, 25 ata, un ang napanood ko sa interview kagabi kay Sec. Teodoro. Nananawagan cia ng tulong kung sinong merong mga rubber boats, jetski.. atbp na puedeng magamit sa pag-rescue...
May nagtanong pa nga na televiewer, kung bakit wala pa ang sinasabi nilang mga rescue team... at ang nakakahiyang pahayag nya ay kasi ung ibang bangka at walang motor... kaya nahihirapan makapunta agad. Pero panay ang sabi nya na ginagawa nila ang lahat para mailigtas ang mga nasalanta.

At ang mga taong bayan naman, kasama nilang lumulutang ang mga basurang ngayon ay bumalik sa kanilang mga tahanan. Sa pagbulusok ng malakas na tubig, lahat ay naagusan. Mayaman at mahirap, lahat ay pantay-pantay. Lahat ay nagbigay kontribusyon sa pagsira ng kalikasan na ngayon ay kailangang pagbayaran.

Sa mga susunod na araw, limpak na halaga ang kailangang ilabas ng gobyerno para pantulong sa mga nasalanta. Gandang timing din para sa mga kakandidato at trapo... kanya kanyang pa pogi sa pag abot ng tulong sa mga tao... sakto!
At maswerte pa rin ang mga nakaupo sa pwesto... dahil ngayon, maglalabas ng pondo ang gobyerno, para sa kampanya... este, para pala sa mga apektado!

Ang gulo noh?
Naaawa ako sa ating bayan... lubog sa tubig, lubog sa utang, lubog sa kahihiyan gawa ng mga buwaya sa gobyerno...
Tuluyan na nga bang lulubog sa putik at burak ang Perlas ng Silanganan?

---o0o---
HOW CAN YOU HELP?
ABS-CBN Sagip Kapamilya
Tel: 00632 - 413-2667 / 00632 - 416-0387
Add: No 13 Examiner Street, Quezon City, Look for Ms Girlie Aragon

Bank: Banco de Oro, Mother Ignacia branch

Acct name: ABS-CBN Foundation Inc.
Acct no.: 5630020111

Routing code for international cash donations

BNORPHMM ABS-CBN Branch
ABS-CBN Foundation US Office Toll-Free 1-800-527-2820

Source: www.abs-cbnnews.com
Photos: google images

3 comments:

Anonymous said...

ang gsling mo talagan magsulat Kheng....

KALI said...

salamat po. :)

Anonymous said...

J'ai appris des choses interessantes grace a vous, et vous m'avez aide a resoudre un probleme, merci.

- Daniel

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...