How Do I Unwrite the Past?
Sinong di pa naka-panood ng full trailer?
I believe out of 2M hits, isa ka sa nakapanood na...
That line hits me many times: Sapul!
Eto pa: How do I undo the mistakes?
Sana nga, ang buhay ay para lang keyboard ng computer. Puede kang mag ALT, CTRL at DELETE.
Ulit nga... how do I unwrite the past?
Ilang beses ba nating naitanong sa sarili natin ang pamosong linya na yan?
Maraming pagkakataon sa buhay ko na pinangarap ko ding magkaroon ng ESC option na puedeng pindutin everytime I commit mistakes or whenever I make wrong choices.
But we all know that, walang BACKSPACE sa tunay na buhay.
Touch-move pa rin ang basic rule. Hindi na natin masasabing - teka lang, isa pa, puedeng UNDO muna?
Sa lahat ng WHAT IFs sa nakaraan, malamang, marami na rin tayong natutunan...
At sa kabila ng lahat ng kamalian, paulit ulit na kasalanan, may bukas pa rin tayong nasisilayan.
Dati naisip ko, magaling ako, matapang. malakas ang loob. Kaya kahit ilang beses mang madapa sa pagtakbo o mahulog sa pag-akyat, konting pagpag lang ng galos, kaya ulit humakbang.
Akala ko, matalino ako kaya nalalampasan ko ang mga kapalpakan ko.
Hanggang isang araw, naubos ang galing ko, nawala ang tapang ko at lumabas ang kahinaan ko.
Sa panahong akoý nakadapa at wala ng lakas upang bumangon uli, nasumpungan ko ang sarili ko sa paanan ni Kristo. Sa oras na akoý hapong-hapo, Siya ang nagbigay ng kalakasan upang muli akong bumangon.
At ang tuwing babalikan ko ang nakaraan, tuwing iisipin ko kung gaano kalalim ang bangin na aking kinasadlakan, higit kong nakikita ang mahabang kamay ng ating Panginoon na umabot sa akin mula sa kailaliman ng kawalan...
Sa tulad ko na minsang nagtanong rin ang how do I undo my mistakes, wala ng dahilan para manatili pa tayo sa gapos ng kahapon. Hindi na natin mabubura ang nakaraan, pero maisusulat natin ng tama ang kasalukuyan.
We all commit mistakes, and the reality is that we cannot delete or escape those times in our lives, we hurt people, we destroy relationships, we wasted time and yes, at some point, we ruined our life. But then again, it is not the end...
Jesus Christ came to save us from misery and destruction from these mistakes. He came to give us life, a bountiful life with inner peace and joy; with Him, we can start all over again...
Frozen Amazon Gift Card Upload Your Photo - Gift for You
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment